Ito ang paborito kong tsaa, nagtanim ako ng marami para sa araw araw na inumin.. kung tawagin siya ay Dragon na herbal nagmula sa bansang Europa lumalaki ang tarragon hanggang sa 120 - 150 sentimetro. ang kulay ng kanyang mga dahon ay makintab na berde o luntiang berde. ang kanyang kaanyuan ay kagaya ng serpentina at pinaniniwalaan na kaya niyang makagamot ng kagat ng ahas. kung sa pangalang greyego natin siya tatawagin. ang tawag sa kanya ay maliit na dragon.
ano ang nagagawa ng tsaa ng Tarragon..tumutulong ito sa pantunaw ng ating mga kinain at nagpapaalis ng mga lason sa ating katawan, tumutulong ang tsaa na ito na paglabanan ang matinding pagod na ating nararanasan. nakakatulong siya sa mga taong merong insomnia. at marami siyang magagandang nagagawa sa sistema ng ating katawan... kung iinom tayo sapat na sa isang araw ang isang tasa....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento