Sabado, Abril 23, 2011

Buhay Probinsya

Ako ay isang simpleng probinsyana, nagmula sa isang lugar na kung saan ang buhay ay payak .ang mga tao ay  nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at pagtatanim.masaya ang aking nakaraang kabataan, nagmula ako sa isang pamilya kung saan.... ang aking ama ay nagumon sa alak, ang aking ina ang siyang masigasig na naghanapbuhay para sa aming  anim na magkakapatid. isinilang ako sa Bayan Ng Gumaca,Quezon sa isang nayon.. na kung tawagin ay Lagyo, ayon sa aking lolo. kaya sya tinawag na lagyo sa kadahilanang noong unang panahon ang lugar namin sa tabi ng dagat ay dating pinamumugaran ng mga mabalasik na pating na kung tawagin ng mga tao sa aming nayon ay " Lagyo"... hanggang sa nakasanayin ng tawaging "LAGYO " ang aming lugar sa tabing dagat...........

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento