Biyernes, Mayo 27, 2011

Ang Kapatid kong mangingisda

Ang kapatid kong mangingisda! siya si Roque Amon, hanapbuhay niya ang panghuhuli ng isda sa malawak na karagatan. Sapagkat ito ang kanilang ikinabubuhay. Masaya siya kung sa araw araw na pagpunta niya sa dagat at mapalad na marami ang kanyang nahuhuling isda at sapat sa araw araw nilang gastusin sa dalawa niyang anak.... sa susunod na buwan ay madadagdagan pa ang kanyang mga supling kaya masayang masaya siya sa tuwing manghuhuli ng isda!......

Miyerkules, Mayo 25, 2011

Isang dapit hapon

Isang dapit hapon.... ito ang tanawing aking namamasdan tuwing sumasapit ang takip silim... kung baguhan ka sa lugar na ito ay parang nadadama mo ang kalungkutan sa tuwing sasapit ang kinahapunan... malapit na namang dumilim, ang panahon na di ko na masisilayan ang liwanag... di ko mamasadan ang mangilan- ngilan na puno sa dagat. Dati ang lugar na ito ay maraming puno  na magaganda ang mga luntiang dahon...na sumasabay sa saliw ng hangin na nararamdaman ng mga kabataan na naglalaro sa karagatan.... 

Sabado, Mayo 21, 2011

Bata sa Lansangan

Bata sa  lansangan! hay .... napakadaling gawin, napakahirap palakihin... me katanungan tayo! " Bata bata paano ka ginawa?... pano nga ba? at bata nasaan ang magulang mo? sila ba ay pabaya? o maaruga? kayo na ang bahalang humusga sa larawang inyong namamasdan! habang nalilibang siya sa kanyang sintas ng sapatos ... nasaan kaya ang kanyang tagapag-aruga? sana akin ka na lang :) ano kaya ang laman ng kanyang supot? ito ay ang kanyang damit o dili kaya ay pagkain? mga katanungang naglalaro sa aking isipan habang siyay aking pinagmamasdan.

Sabado, Mayo 14, 2011

Hanapbuhay ng aking kapatid

ito ang bangkang ginagamit ng aking kapatid na si Roque! ... pangatlo siya sa aming magkakapatid. napakasipag ng kapatid ko, parati niyang sinasakyang ang bangkang ito upang magamit niya sa panghuhuli ng mga isda na siyang pinangagalingan ng kanyang ikinabubuhay at pangtustos sa pag-aaral ng kanyang mga anak!

Martes, Mayo 10, 2011

like mother, like daughter: Preparing To Rent In Makati

like mother, like daughter: Preparing To Rent In Makati

Ang Gumamela

Ito ang paborito kong paglaruang bulaklak, siya ay si Gumamela. Iba't ibang kulay ang bulaklak na ito. meron siyang kulay pula, puti at iba pa. meron din siyang limang talulot at ang gitna nito ay nakukuhaan ng nektar na gustong gusto ng mga paruparu! kagaya nila ako ay nagustuhan din ang nektar ng gumamela. minsan noong aking kabataan ginagamit ko siya sa paglalaro upang gumawa ng maliit at malalaking bula. tuwang tuwa ako kapag ang mga bula ay pumapailanlang sa kalangitan, para bang naipapadala ko sa langit ang aking kasiyahan. madalas ko siyang gamiting palamuti sa aking taynga at buhok .

Biyernes, Mayo 6, 2011

Ang Kapatid kong Inhenyero

ito ang kapatid kong inhenyero, siya ay si Jorge .... mahilig siya sa mga lugar na kakaiba, gustong- gusto niya ang maglakbay sa ibat- ibang lugar, mapadagat man at bundok, masaya siya at panatag ang kalooban kung siya ay  nakakapaglakbay.... isa siyang negosyante, me sarili siyang negosyo na kanyang pinamamahalaan, mahilig siyang maglaro ng pakikipagbarilan, gamit ang mga makabagong laruan na baril na kung pag-mamasdan mo ay mapagkakamalan mong totoong baril. isa siyang kristyano na tumutulong sa maraming tao.
ang kasama niya sa larawan ay palatandaan ng aming kinalakihang lugar sa tabi ng dagat . isa siyang rebulto ng sirena!!!