Sabado, Abril 30, 2011
Ang aking kabataan
Ang aking kabataan sa tabi ng dagat ay sariwa ang hangin. kahit ang larawang ito ay isang kupas, pero ang alaala ay nanatili sa aking puso at isipan.... sa aming nayon ay napakatahimik at napakasarap langhapin ang hangin na nanunuot sa bawat himaymay ng aming murang katawan....
Biyernes, Abril 29, 2011
Si kuya
ito ang aking kuya Alison! sa ngayon siya ay nanirahan sa purok Lagyo sa lalawigan ng Quezon. me asawa, ngunit mapalad na hindi nabiyayaan ng mga supling. subalit maligaya naman sa kanyang katayuan bilang isang naglilingkod sa baryo ng lagyo. sa ngayon itinalaga siya bilang punong tagapamahala ng mga bantay bayan sa aming lalawigan, mapalad siya sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan at trabaho.
Ang Paborito kong Tsaa ( TARRAGON )
Ito ang paborito kong tsaa, nagtanim ako ng marami para sa araw araw na inumin.. kung tawagin siya ay Dragon na herbal nagmula sa bansang Europa lumalaki ang tarragon hanggang sa 120 - 150 sentimetro. ang kulay ng kanyang mga dahon ay makintab na berde o luntiang berde. ang kanyang kaanyuan ay kagaya ng serpentina at pinaniniwalaan na kaya niyang makagamot ng kagat ng ahas. kung sa pangalang greyego natin siya tatawagin. ang tawag sa kanya ay maliit na dragon.
ano ang nagagawa ng tsaa ng Tarragon..tumutulong ito sa pantunaw ng ating mga kinain at nagpapaalis ng mga lason sa ating katawan, tumutulong ang tsaa na ito na paglabanan ang matinding pagod na ating nararanasan. nakakatulong siya sa mga taong merong insomnia. at marami siyang magagandang nagagawa sa sistema ng ating katawan... kung iinom tayo sapat na sa isang araw ang isang tasa....
ano ang nagagawa ng tsaa ng Tarragon..tumutulong ito sa pantunaw ng ating mga kinain at nagpapaalis ng mga lason sa ating katawan, tumutulong ang tsaa na ito na paglabanan ang matinding pagod na ating nararanasan. nakakatulong siya sa mga taong merong insomnia. at marami siyang magagandang nagagawa sa sistema ng ating katawan... kung iinom tayo sapat na sa isang araw ang isang tasa....
Huwebes, Abril 28, 2011
Ang aking Ama
Ang nasa larawang ito ay ang aking Ama at ang kanyang panganay na kapatid.... hay! pano ko ba ilalarawan ang aking ama?. bukod sa siya ay nag-aangkin ng kagwapohang taglay, ang masasabi ko ay malambing siya pag siya ay hindi nakainom ng alak, nagumon kasi sa alak ang tatay ko, sa kagustuhan ng aking ina at sa sobrang pagmamahal niya sa aking ama ay nasusunod lahat ng naisin ng aking ama... maging ang pagkagumon sa alak na naging sanhi na rin ng kanyang maagang pagpanaw sa mundo ng mga buhay....
Ang katabi naman niya na nasa larawan ay ang kanyang mahal na kapatid, na nakatira sa lungsod ng Makati. bukod sa kangyang angking kagandahan ay nagtataglay siya ng pusong matulungin dahil isa siya sa dahilan kung bakit ako naging matagumpay sa buhay...
Ang katabi naman niya na nasa larawan ay ang kanyang mahal na kapatid, na nakatira sa lungsod ng Makati. bukod sa kangyang angking kagandahan ay nagtataglay siya ng pusong matulungin dahil isa siya sa dahilan kung bakit ako naging matagumpay sa buhay...
Lunes, Abril 25, 2011
Ang aking Mahal na Ina
ito ang aking mahal na ina! na siyang nagtaguyod at nagdala sa akin sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan, inalagaan ako ng matagal na panahon.... hanggang sa kaya ko nang harapin ang hamon ng buhay..... sa ngayon ang mahal kong nanay ay nanatili sa kanyang mahal na anak na si Roque Amon... na naninirahan sa aming sinilangang bayan sa Lagyo, sa tabi ng dagat,at meron siyang isang maliit na tindahan na kanyang pinagkakalibangan masaya siya sa kanyang kasalukuyang katayuan....
Sabado, Abril 23, 2011
Buhay Probinsya
Ako ay isang simpleng probinsyana, nagmula sa isang lugar na kung saan ang buhay ay payak .ang mga tao ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at pagtatanim.masaya ang aking nakaraang kabataan, nagmula ako sa isang pamilya kung saan.... ang aking ama ay nagumon sa alak, ang aking ina ang siyang masigasig na naghanapbuhay para sa aming anim na magkakapatid. isinilang ako sa Bayan Ng Gumaca,Quezon sa isang nayon.. na kung tawagin ay Lagyo, ayon sa aking lolo. kaya sya tinawag na lagyo sa kadahilanang noong unang panahon ang lugar namin sa tabi ng dagat ay dating pinamumugaran ng mga mabalasik na pating na kung tawagin ng mga tao sa aming nayon ay " Lagyo"... hanggang sa nakasanayin ng tawaging "LAGYO " ang aming lugar sa tabing dagat...........
Biyernes, Abril 22, 2011
Bangkito
Ang upuang ito ay syang madalas gamitin sa mga lugar na kung saan tinatangkilik ang mga unang kagamitan, madalas ginagamit kapag ang isang tao sa probinsya ay me pang-araw araw na gawaing bahay na kelangang gumamit ng maliit na upuan kagaya ng paglalaba.
ang upuang ito ay yari sa matibay na kahoy...
ang upuang ito ay yari sa matibay na kahoy...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)